maduming kalye… mga kalat sa tabi-tabe,.. ilan lamang yan sa makikita kapag naglakad sa mga lansangang halos limutin na ng sibilisasyon… napag-iwanan na ng teknolohiya’t mabilis na takbo ng panahon…
mabahong usok ng makina… masikip na upuang walang lamesa… mainit at masungit na ulo ng drayber na sumasabay sa maalinsangang pakiramdam ng panahon… mga pang araw-araw na pamumuhay ng mga motorista’t pasahero…
maingay na mga bata… mga nanay na walang magawa… mga nagbi-bingo sa tapat ng tindahan ni aling kwan… mga asong nagpapabahuan ng etchas …mga pusang kinakati at naghahanap ng kakamot dito… mga baryong simple… at mga taong mukang kung anu lang…
nagmamadaling mga tao… maraming anino na kung saan saang dako tutungo… mga papeles na walang katapusan… mga xerox na walang hangganan… buhay sa opisinang malamig at mga estudyanteng di alam ang kahahantungan sa hinaharap…
naglalakihang mga alahas… nag-gagandahang mga palamuting rosas… mga gayak na out-of-this world… at mga lenggwaheng banyaga kahit di naman halata… mga Eba na nakabingwit ng malaking isda sa pusod ng Maynila…
isang dangkal na tela simula bewang… mga koloreteng sana naging maskara na lang… damit na tinipid sa tela at ayan sexy na.. mga ilaw at tugtuging mapang-aliw sa mga Ebang may buntot… at mga Adan na naghahanap ng Eba na parausan… sa pusod ng Malate matatagpuan at maging sa iba pang lugar na maraming Bahay Libangan…
Tahimik… Mapayapa… ngunit sa likod ay may bandilang itim na naka dapa… Mga kamay na nakaharap sa itaas… mga matang nakatingin sa paa ng bawat isa… mga tugtuging mapang halina… banal, oo banal nga…
humingi ka ng kapatawaran sa rebultong nasa iyong harapan… magsabi ng kasalanan sa taong makasalanan din naman… lumuhod… umiyak… malinis ka na sa iyong kaibuturan…
pumili… pumanig… tumangkilik… saang lugar… anong landas… kahit anu pa man… parokyanong kang matatawag…
This entry was posted
on Monday, August 17, 2009
at 8:25 PM
. You can follow any responses to this entry through the
comments feed
.